Bukas na ng gabe ang dating ni BF mula sa Japan.. Mahigit 7-8 buwan din kaming hindi nag kita. Ang bilis lang talaga ng panahon.. Parang kelan lang yun. Hehe! Hindi ko na masyado pansin ang pag lipas ng panahon dahil super busy ako sa pagiging Ina :) 

Hindi ko alam kung anong mangyayare sa darating na araw. Pero sana wag akong ma-stress ng husto.. Sana hindi siya kagaya ng date. Sana ma-enjoy namen ang pag balik niya. Sana walang pagtatalo oh hindi pagkakaunawaan. 

Alam mo yung feeling na kung dapat ka pang mag bigay ng pangalawang pag kakataon para maayos muli ang friendhsip ninyo??

Hirap pala talaga lalo na kung parang wala ng rason. At mas lalong mahirap kung wala ka din naman nakikitang maganda simula.. Hindi ko malaman kung may aasahan ka pa oh wala. Dahil isa siyang malaking paasa.. Hindi ko alam kung sa mga bawat pangako niya ay dapat ko pang pakinggan. Kung hindi natupad. Hihingi ng paumanhin. Pero malalaman mo lang pala na may ibang dahilan kaya napako ang pangako. DAHIL NGA PINAASA KA PA. Sana hindi nalang mag commit kung hindi naman pala kayang gawin..

Bakit pa kase kailangan na gumawa pa ng mga ALIBI? Pwede naman magpakatotoo nalang.. 

Some kwentuhan moments..

  • Tita and ako Kwentuhan Mode habang inaayos niya ang aking super dead hair..
  • Tita: Alam mo ba na mas cute ka pa kay Gelogelo..
  • Ako: Weh?
  • Tita: Oo noh. Pinkish ang balat mo. Mas cute ka pa sa kanya pero ganyan na ganyan din itsura mo sa anak mo.
  • Ako: Hehe. Bakit ang panget ko ngayon? Kung cute ako date? Hahah!
  • Tita: Sobrang alaga ka ng Mama mo kahit nung nasa tiyan ka pa lang sobrang selan kaya nung Ina mo makagat ka lang ng lamok worried na agad ang AMA mo! Yun nga lang butot balat nalang siya nun sa pag aalaga sayo. Iyakin ka sobra. Mabuti si Gelogelo mabaet.. Konti konte lang sa pag arte.
  • -- Napaisip naman ako. at naawa kay Mama. Kung ganun pala ako kahirap alagaan date. Ma Sorry na palasagot at pasaway ako matapang at matigas ang ulo.. Huhuhu. Sorry "((

Oo nga pala gusto ko mag Thank You sa Tita ko. Sa pag aayos niya ng Hair ko na sobrang Frizzy Dry Dead (basta PANGET) hahah! :))

Medyo nag improved na hindi na ako mukhang katulong/yaya (medyo nalang) tehee!

Thank You <3

Ang unang plano ko talaga sa Birthday ni Angelo ay sa Shakey’s Pizza..

Nakita ko sa blogs ng mga Mommy ang mga preparations nila sa Birthday ng mga anak nila. Ang mga nagastos at mga best na dapat gawin para makatipid pero hindi mabibitin ang mga bisita.. Sinabe ko na iyon sa Daddy ni Gelo. At ang isang choice pa namen ay Max’s Restaurant. Yun nga lang ay may kamahalan ang presyo. Pero mas okay naman ang food. Dahil ayaw nga daw ng Daddy ni Gelo na pagkaing pang Jollibee or Mcdo lang ay kakainin niya..

Kaya naisip ko na i-Max’s nalang ang celebration.. At pumayag na siya.. Maayos na ang mga plano namen para sa Birthday ..

Pero One moment…

Biglang nagbago ang lahat.. Dito na kase pumasok na naman ang pinsan niya.. Kesyo mas maganda daw sa Jollibee mag Birthday kase masaya. At dapat daw ay maraming bata.. And then nag suggest na naman na Shakey’s nalang daw. Kase masaya din maganda at mura dahil duon din nag pa-birthday ang pinsan niya..

Mcdo naman daw ay 7k lang ang gastos lahat lahat na.. 

Siguro dahil sa gipit din si Dadddy ni Gelo. Nagulo ng husto ang utak nilang mag-ina.. Kaya nagulo narin ang original plan namen 2.. 

Halos maiyak iyak ako sa inis ng bitin niya ako sa budget.. Naisip ko tuloy na wag nalang i-celebrate ang birthday ni Gelo since sinabe niyang wala siyang pera. Hintayin daw ang pag uwi niya at dun siya mag babayad. Kahit naman maglibot ako wala naman papayag na hindi mag bayad. At ang dami pang expenses akala nila ganoon lang kadali kumilos ng walang hawak na pera para maayos ang celebration..

Hindi ko rin naman hinahanggad na magarbo ang unang kaarawan ni Gelo.. Dahil alam ko ngang hirap siya.. 

Ang sinasabi pa ng pinsan niya ay dapat sa Muntinlupa oh Alabang nalang gawin ang Birthday para daw maraming makapunta ta maraming bata. Para daw masaya..

Oo nandun na tayo maraming bata kang maiisasama dahil mag iimbita ka ng mga kaibigan mo.. Ang akin naman kaya ayoko dahil ibabyahe ko ang anak ko.. Tapos magkakasakit. Kayo masaya pag wui niyo. Kami ano?

At tama ba na ng celebrant ang dapat pumunta sa mga BISITA1 yeat old lang ang baby ko.!

Isa pa, dapat ba maraming bata sa kagaya ng gusto mo para masaya?!

Ilang taon na ba ang anak ko para ma-appreciate niya ang sinasabi mong SAYA?!

Pate nga sa binyag ni Gelo. Dapat daw maraming bata.. BINYAG yun.. Hindi kids party.. 

Pate Cake pinakialaman, ultimo diaper palitan na daw haist!.. Sino ang hindi maiinis sa ganitong tao?

Nalalapit na ang 1st birthday ng Baby ko :)

Sa totoo lang EXCITED ako!! Syempre sino ba naman ang inang hindi ma-eexcite di ba? 

Pero pag naiisip ko na ang dami ko na namang problemang haharapin. Dagdag pagod at stress.. Nalulungkot ako.. Dagdagan mo pa ng mga taong sulsulero at pakialamera sa aming mag-ina. Isa sa pinaka kinaiinisan ko ay yung ganitong klaseng tao. Kahit sino naman siguro ay walang pwedeng makiaalam sa kung paano mo pinapalaki at inaalagaan ang anak nila. Dahil walang ina ang gustong mapasama ang anak.. Lahat ng BEST gusto naten para sa anak naten. Lahat gagawin para magaing masaya..

Given na naman ito. Pero bakit pilit na pinakikialaman. Iniisip ko na lang na gustong makatulong. Pero kapag nababasa ko ang mga advices at suggestion niya, hindi ko maiwasan na mabwiset.. Ako hindi ko siya pinapakialaman sa kung anong gusto niyang gawin sa anak niya. Hindi rin ako nanghihingi ng payo sa kanya. Dahil kasama ko ang Tita at Nanay ko. Sila ang una kong tatnungin at hihingin ng tulong as always na hindi ako mabibigo :)

Ang nakakainis ay yung nag sasalita siya na para bang ang babata pa namen at walang ka-alam alam sa pag papalaki ng bata.. Sabi nga ng ilan ay nag mamagaling siya.. Samantalang first time Mom din naman siya. Ang hilig niyang manggulo sa mga natapos at ayus ng decisions.. Kaya nagugulo naman ang mga planong naka settle na.. 

Isa pa sa pinaka-ANNOYING ay yung kung maka-concern ay akala mo sila ang magulang ko. OA na.. Samantalang nung mga panahon na nakikita lang nila akong nahihrapan sa poder nila. Wala silang magawa. Ni comfort wala.. Parang masaya pa sila na mabugbog ako. Kase kasalanan ko dahil pinapayagan ko at bahala na ako kase nagpapaka-tanga naman ako.. Tapos ngayon. Biglang sobrang babaet, sobrang concerned na sila sa bata at sa akin.. Kesyo may payo-payo pa na ganito ganiyan..

Isa sa pinaka nairita ako. Ay yung sabihin nilang..

” ginagawa naman ng daddy ni gelo ang lahat para sa inyo “

Sa tutuusin ang pinapadala ay para sa bata lamang. Hindi ako humihingi. Dahil alam ko hindi ko naman kailangan, i mean dapat alam na niya yun at kusa niyang ibibgay. Hindi naman ako ganoon kakapal ang mukha kahit na GF niya ako at Ina ako ng ANAK niya.. Wala akong ibang demands kungdi ang unahin ay yung para sa BATA.

YUN LANG :)

Ako si Jaren :)

Na namaaaaannn!! Hahaha :D

Pasensya na at iba na naman. Pero pinaka Last na ito :)

Sorry kung nalilito yung ibang kaibigan ko dahil paiba-iba ako ng tumblr..

Hindi ko narin naman nahaharap pa ang mag computer dahil ako ay super busy sa pagiging ulirang ina :)

Pero mag mag ba-blog parin naman ako. Basta nakakuha ako ng Time..

Sa ngayon busy talaga sa pag aasikaso ko sa 1st Birthday ni Angelo.. At naglilipat din kame.. Sabay-sabay kase.. Kaya minsan talaga kung makapag Online..

Pagod araw-araw (galing sa kabila bahay ng mga pinsan ko) etc. Pero masaya naman. Acrually pag dating ko dito sa bahay namen bagsak ako agad sa kama. Good thing maaga na natutulog ulit si Baby :)

Kaya maganda narin ang schedule ng gising namen. Hehe!

Lulubusin ko na siguro ang pag titipa. Kase parating na rin ang isa sa ayaw kong makakabasa ng BLOG na ito. 2 Months daw siya dito. Kaya siguro ang malamang na mangyayare ay pasulyap-sulyap, konti at madaliaang pagsusulat ang magagawa ko.. 

Loading more posts